PTAP CORNER
TRANSPORT GROUP NA PALABAN, SUMISIKLAB NA
Inakda ni SONNY B. ANARNA
Napuruhan sa gulugod ang isang opisyal ng MMDA. Atat na atat sa pagtanggi ang mamang kaytagal ko ng kilalang dupang...sa dilang dupang na anak ka ng hweteng ka.
Nakaka awa ang mga tauhan mo na nagmukhang timawa sa
pagkakalunod sa kasong administratibo at nakapintong kaso pa sa RTC
Pasay.
Hanep talaga ugali mo. Di ka makaiwas sa AJODA-Pasay dahil
hinahanap nilang lahat ng maliliit na butas na puwede mong daanan para
makasalba ka sa inihaing kaso laban sa iyo. Paka-ayusin mo lang ha?
Pag
bumaligtad mga tauhan mo na kaytagal na sa serbisyo para pagtrakpan ka
eh nagkakamali ka dun.... Tatagan mo na pagsisinungaling ... Di na kita
papangalanan... Baka sumikat ka pa... Dapat sa iyo dun sa Basilan....sobra tapang ng apog mo.... mahiya ka
naman.
xxx
Nakuryente din ang LTO NCR Traffic Enforcer. Dapat pinagse-seminar muna mga yan, kasama ang route and road mapping ng Metro Manila susme.
Hulihin nyo ba naman ang AJODA sa Airport Road eh yun ang lehitimong ruta nila? Kahit itanong mo pa sa LTFRB Record Section.
Ewan ko nga lamang sa Board En Banc. ipinipilit yung mali. Kaya, tama lamang na mag-resign na lang kayo at wag nyo ng hintayin na tanggalin pa kayo.
Tinanong ang inyong lingkod kasama ko ang
PTAP National President Orlando Sabelita mula pa sa General Santos City
noong August 12, 2011 na inintindi naman kami ng mga tauhan sa 17th flr
ng OTC.
Ang tagal naming naghintay sa taong kakausapin namin. Sa
susunod at inulit nyo pa, ewan ko lang. Kundi ko pa tinext..., nag-
sorry po sa amin na naghintay kami kasi wala daw nagsasabi sa
kanya.
Tinanong nya kami sino dapat manatili at sino ang ilalagay sa
mga posisyong mababakante.
Matuk nyo yun?
Ang PTAP
binibigyan ng pagkakataong makapagrekomenda ng uupo sa aalisang
posisyon ng mga aalisin kung di magkukusa....?
xxx
Tentatively,
eh matutuloy na din ang PTAP proposed dialogue with DOTC Sec. Mar Roxas,
courtesy po ni National Press Club Legal Consultant "Atty. Toto
Causing, sa 1st week ng September.
Sabi nila imposible raw yung
gustong mangyari ng PTAP na pag-aamyenda sa RA 4136, CA 146, etc.
Hanga
sa nagbibigay ng komento, mabuti na yung may magpasimula kesa
tanong ng tanong eh di naman kumikilos. Pare-pareho kayong
magugulo. Ito ang tunay na isyu na dapat ipaglaban ng sektor, dito
muna tayo magsimula.
Kasi pinag-iingayan nyo eh imposible sa dilang
imposible, gusto nyo kasi makipaglaro. Eh di ibigay ang hilig...sa
inyo.
xxx
Problema ng buong mundo ang langis dahil sa pagbabangayan ng mga
gustong maghari sa mundo.
PAPEL AT PILAK AT KAPANGYARIHAN ang
pinag-aawayan.
Kaya, pahetot hetot ang halaga ng
langis, wala tayong magagawa kundi sumunod sa takbo ng buhay kalsada.
Importante may nabibili tayo sa araw araw. Kumikita naman kahit papaano
at nairaraos ang buhay pamilya.
Kasi ba naman, gusto ng marami eh libo-libo kita per day.
Huwag kayong mahirati sa malaking kita tapos
ibibigay nyo sa operator na namuhunan sa jeep nya ng daang libo.
Eh
yung boundary lang, kahit man lang pakunswelong i liter na langis o
fluid, interior ng gulong at kahit man lang yung palinis ng jeep huwag
na ninyong bawasin sa boundary na pinutukan kayo ng magaling na
driver.... susme.
xxx
Paging DOTC Sec. Mar Roxas:
paki- pakinggan lang po ang ilang bagay na ito, na sasariwaibn ko lang yung
binanggit ko nung kauup[o nyo lang sa DOTC:
1. Gawan ng
paraang magkaroon ng consultation para ma-irekomenda sa Kongreso ang
amyenda ng RA 4136. CA 146 pagpapatupad ng DILG, DOTC JMC 001-S-2008 sa pamamagitan
ng pagsusumite ng Writ of Execution para walang hindi susunod. Sobra ng pang-aabuso ng local ordinances.
2.
Pagpapalabas ng EO na ikukulong ng DOTC ang lahat ng traffic
enforcement group/enforcer na gumagamit ng "UNMARKED VEHICLES" o mga di naka-rehistrong motorcycle na gamit sa kanilang AOR, colorum o
berdeng plaka, mga expired na rehistro, mga nakatagong nameplate o id.
3.
Pagre-shuffle ng mga regional directors at hearing officers na talagang
maghihiwalay ang landas pati na en banc ay dapat na binabalasa. Bigyan
naman ng pagkakataon ang mga batang executive sa inyong departamento para umangat at umunlad. Nababansot na sa pwesto nila.
4.Pagkakaloob
ng TOP sa mga piling kapulisan lalo sa Highway Patrol Group. Masama
pang bigyan ang mga local police , maniwala kayo
sa amin Secretary, di naman sila sa traffic
nanghihingi ng lingguhan , buwanan. Mabuti yung isang siyudad naapula
po ng inyong lingkod sa pamamagitan lamang po ng
tinta ng ballpen eh nanahimik na yung mama sabi ko lang di naman kami
maramot kahit buwan buwan may birthday magreregalo kami . He he he he...
5.
At ang isa pa ay ang pagkilala o pagpapahintulot na maitatag ng mga
may lehitimong prangkisa ang "BANTAY RUTA". Di sila awtorisadong manghuli pero sila ang maninita sa mga colorum at out of line na kasama
ang authorized traffic enforcement. Bale dalawa babantayan. Yung hinuhuli at nanghuhuli. Tingnan natin pag di tumino. Kaya lang, lahat
lamang ng accredited na grupo ang papayagang maging bantay ruta. Ang criteria po eh isusunite ng PTAP sa ating paghaharap na muli Mr. Secretary.
xxx
Provincial
Quarry sa Ternate at Maragondon Cavite, tagsibol na ng kabute at mamarang.
Malapit na uling magbalik ang inyong lingkod para araruhin
uli ang namamasang bundok na patuloy na sinasalanta ng mga naghaharing
uri.
KUNG SINU-SINO SILA EH alam na ng dinadaanan nila he he he he....
xxx
Patuloy po ang pagtanggap natin ng mga gustong umanib o sumali sa HUKUMAN NG
MAMAMAYAN MOVEMENT INC.
Ito po ang magiging sagot sa pang-aabuso sa
ating nakapiring na katarungan.Be one and be proud to be one. Nasa mga
PTAP Leaders po sa inyong mga bayan at siyudad ang sipi ng aplikasyon.
Kasama na rin dito ang mga NGO sa inyo inyong bayan..
Para sa iba pang katanungan, mangyari lamang na tumawag o magtext kay:
SONNY B. ANARNA
August 17, 2011
09291512688; 09052971456; 09233056267;
09297862017
sonnyanarna@yahoo.com / ptap.transport@yahoo.com
Pwede ring kumuntak kay Berteni "TOTO" Causing ng Ground Floor, National Press Club, na matatagpuan sa No. 1 Magallanes Drive, Intramuros, Manila 09178834254 o sa kanyang email address sa totocausing@yahoo.com.