Matuwid Na Daan

Matuwid Na Daan
Para Po Sa Bayan
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na PTAP CORNER. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na PTAP CORNER. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Agosto 29, 2011

TRANSPORT GROUP NA PALABAN, SUMISIKLAB NA




PTAP CORNER


TRANSPORT GROUP NA PALABAN, SUMISIKLAB NA


Inakda ni SONNY B. ANARNA


Napuruhan sa gulugod ang isang opisyal ng MMDA. Atat na atat sa pagtanggi ang mamang kaytagal ko ng kilalang dupang...sa dilang dupang na anak ka ng hweteng ka. 
Empleyado ng LTO main na nahuhuling natutulog

Nakaka awa ang mga tauhan mo na nagmukhang timawa sa pagkakalunod sa kasong administratibo at nakapintong kaso pa sa RTC Pasay. 
Hanep talaga ugali mo. Di ka makaiwas sa AJODA-Pasay  dahil hinahanap nilang lahat ng maliliit na butas na puwede mong daanan para makasalba ka sa inihaing kaso laban sa iyo. Paka-ayusin mo lang ha? 
Pag bumaligtad mga tauhan mo na kaytagal na sa serbisyo para pagtrakpan ka eh nagkakamali ka dun.... Tatagan mo na pagsisinungaling ... Di na kita papangalanan... Baka sumikat ka pa... Dapat sa iyo dun sa Basilan....sobra tapang ng apog mo.... mahiya ka naman.

xxx

Nakuryente din ang LTO NCR Traffic Enforcer. Dapat pinagse-seminar muna mga yan, kasama ang route and road mapping ng Metro Manila susme. 
Hulihin nyo ba naman ang AJODA sa Airport Road eh yun ang lehitimong ruta nila? Kahit itanong mo pa sa LTFRB Record Section. 
Ewan ko nga lamang sa Board En Banc. ipinipilit yung mali.   Kaya, tama lamang na mag-resign na lang kayo at wag nyo ng hintayin na tanggalin pa kayo. 
Tinanong ang inyong lingkod kasama ko ang PTAP National President Orlando Sabelita mula pa sa General Santos City noong August 12, 2011 na inintindi naman kami ng mga tauhan sa 17th flr ng OTC. 
Ang tagal naming naghintay sa taong kakausapin namin.  Sa susunod at inulit nyo pa, ewan ko lang. Kundi ko pa tinext..., nag- sorry po sa amin na naghintay kami kasi wala daw nagsasabi sa kanya.
Tinanong nya kami sino dapat manatili at sino ang ilalagay sa mga posisyong mababakante.
Matuk nyo yun? 
Ang PTAP binibigyan ng pagkakataong makapagrekomenda ng uupo sa aalisang posisyon ng mga aalisin kung di magkukusa....?

xxx
Tentatively, eh matutuloy na din ang PTAP proposed dialogue with DOTC Sec. Mar Roxas, courtesy po ni National Press Club Legal Consultant "Atty. Toto Causing, sa 1st week ng September. 
Sabi nila imposible raw yung gustong mangyari ng PTAP na pag-aamyenda sa RA 4136, CA 146, etc.
Hanga sa nagbibigay ng komento, mabuti na yung may magpasimula kesa tanong ng tanong eh di naman kumikilos.  Pare-pareho kayong magugulo.  Ito ang tunay na isyu na dapat ipaglaban ng sektor, dito muna tayo magsimula. 
Kasi pinag-iingayan nyo eh imposible sa dilang imposible, gusto nyo kasi makipaglaro.  Eh di ibigay ang hilig...sa inyo.
xxx
Problema ng buong mundo ang langis dahil sa pagbabangayan ng mga gustong maghari sa mundo.
PAPEL AT PILAK AT KAPANGYARIHAN ang pinag-aawayan.
Kaya, pahetot hetot ang halaga ng langis, wala tayong magagawa kundi sumunod sa takbo ng buhay kalsada. 
Importante may nabibili tayo sa araw araw. Kumikita naman kahit papaano at nairaraos ang buhay pamilya.
Kasi ba naman, gusto ng marami eh libo-libo kita per day.
Huwag kayong mahirati sa malaking kita tapos ibibigay nyo sa operator na namuhunan sa jeep nya ng daang libo.
Eh yung boundary lang, kahit man lang pakunswelong i liter na langis o fluid, interior ng gulong at kahit man lang yung palinis ng jeep huwag na ninyong bawasin sa boundary na pinutukan kayo ng magaling na driver.... susme.

xxx

Paging DOTC Sec. Mar Roxas: paki- pakinggan lang po ang ilang bagay na ito, na sasariwaibn ko lang yung binanggit ko nung kauup[o nyo lang sa DOTC:
1.  Gawan ng paraang magkaroon ng consultation para ma-irekomenda sa Kongreso ang amyenda ng RA 4136. CA 146 pagpapatupad ng DILG, DOTC JMC 001-S-2008 sa pamamagitan ng pagsusumite ng Writ of Execution para walang hindi susunod.  Sobra ng pang-aabuso ng local ordinances.
2. Pagpapalabas ng EO na ikukulong ng DOTC ang lahat ng traffic enforcement group/enforcer na gumagamit ng "UNMARKED VEHICLES" o mga di naka-rehistrong motorcycle na gamit sa kanilang AOR, colorum o berdeng  plaka, mga expired na rehistro, mga nakatagong nameplate o id.
3. Pagre-shuffle ng mga regional directors at hearing officers na talagang maghihiwalay ang landas  pati na en banc ay dapat na binabalasa. Bigyan naman ng pagkakataon ang mga batang executive sa inyong departamento para umangat at umunlad.  Nababansot na sa pwesto nila.
4.Pagkakaloob ng TOP sa mga piling kapulisan lalo sa Highway Patrol Group. Masama pang bigyan ang mga local police , maniwala kayo sa amin Secretary, di naman sila sa traffic nanghihingi ng lingguhan , buwanan. Mabuti yung isang siyudad naapula po ng inyong lingkod sa pamamagitan lamang po ng tinta ng ballpen eh nanahimik na yung mama sabi ko lang di naman kami maramot kahit buwan buwan may birthday magreregalo kami . He he he he...
5. At ang isa pa ay ang pagkilala  o pagpapahintulot na maitatag ng mga may lehitimong prangkisa ang "BANTAY RUTA". Di sila awtorisadong manghuli pero sila ang maninita sa mga colorum at out of line na kasama ang authorized traffic enforcement. Bale dalawa babantayan. Yung hinuhuli at nanghuhuli. Tingnan natin pag di tumino. Kaya lang, lahat lamang ng accredited na grupo ang papayagang maging bantay ruta. Ang criteria po eh isusunite ng PTAP sa ating paghaharap na muli Mr. Secretary.

xxx

Provincial Quarry sa Ternate at Maragondon Cavite, tagsibol na ng kabute at mamarang.
Malapit na uling magbalik ang inyong lingkod para araruhin uli ang namamasang bundok na patuloy na sinasalanta ng mga naghaharing uri. 
KUNG SINU-SINO SILA EH alam na ng dinadaanan nila he he he he....

xxx

Patuloy po ang pagtanggap natin ng mga gustong umanib o sumali sa HUKUMAN NG MAMAMAYAN MOVEMENT INC. 
Ito po ang magiging sagot sa pang-aabuso sa ating nakapiring na katarungan.Be  one and be proud to be one. Nasa mga PTAP Leaders po sa inyong mga bayan at siyudad ang sipi ng aplikasyon. Kasama na rin dito ang mga NGO sa inyo inyong bayan..
Para sa iba pang katanungan, mangyari lamang na tumawag o magtext kay:

SONNY B. ANARNA
August 17, 2011
09291512688; 09052971456; 09233056267; 09297862017
sonnyanarna@yahoo.com / ptap.transport@yahoo.com

Pwede ring kumuntak kay Berteni "TOTO" Causing ng Ground Floor, National Press Club, na matatagpuan sa No. 1 Magallanes Drive, Intramuros, Manila  09178834254 o sa kanyang email address sa totocausing@yahoo.com.